Coleen, gusto nang ‘asawahin’ ni Billy

Billy Crawford

KUNG si Billy Crawford ang masusunod, gusto na niyang pakasalan si Coleen Garcia.
Marrying age na siya na 34, pero 24 pa lang kasi si Coleen at marami pang gustong gawin sa buhay.

Ayaw niyang ipagkait iyun sa Kapamilya young actress.
Saad ni Billy, “It’s­ unfair din naman, I’m ten years older than her.

“She’s been blessed right now, maraming projects ang pumapasok sa kanya, and marami pa siyang kailangang matutunan with work and sa personal life as well.

“Basta ang alam ko, siya na. Iyun ang importante du’n, eh.
“We’ve been together for two years. Close na ako sa family niya, sa family ko.

“I just want her to continue to grow as an actress. I want her to fulfill her dreams muna.
“Kung ako ang magpapakasal ngayon, gusto ko talagang ibuhos ang pagiging asawa ko sa kanya.

“I would rather just stop and just focus on that. Syempre, she wants to do the same. She wants to give her all.

“Kaya hindi pa sure kung kailan pa talaga.”
Sakaling Mrs. Crawford na si Coleen, hindi niya ipagbabawal na ituloy ang pag-aartista pero na kay Coleen na iyun.

“Hindi natin alam, eh. Huwag na tayong magsarado ng pintuan ‘pag may binubuksan, ‘di ba?
“If there’s an offer, siguro i-continue niya.

“Sa akin kasi, 30 years na rin ako dito sa industriya, eh. It’s been a long long time. ‘Pag ako, nag-asawa, sana mutual din na mag-focus sa family.”

Nakita ni Billy ang todong pag-aalaga ni Coleen noong naospital siya dahil sa pneumonia.
Pagkatapos ng trabaho ni Coleen, deretso ito sa St. Luke’s hospital para bantayan siya.

Kaya paulit-ulit niyang sinasabing si Coleen na ang babaeng pakakasalan niya.

Sa August 10 na ang showing ng pelikulang That Thing Called Tanga Na ng Regal Films na dinirek ni Joel Lamangan, kung saan isa sa mga bida si Billy.

Hindi raw akalain ni Coleen na magagawa ni Billy ang ilang eksena kung saan gumanap ito bilang bading na security guard.

Anong eksena kaya ito?