Maayos na nagpaalam si Coleen Garcia sa Star Magic na 8 years din niyang naging management bago siya tuluyang nagdesisyon na lumipat na sa Viva Artists Management (VAA).
“Kasi ‘yun talaga ang ikinakatakot ko, kasi I’m not confrontational. Takot talaga ako. Shen when I walked in the office, ang bigat ko, pero paglabas ko, ang gaan, ang gaan ng feeling because I didn’t expect them to be so understanding.
“Kasi naiintindihan din naman nila, especially now that I’m married na I really have to decide for myself especially when it comes to work,” pahayag ni Coleen nang makausap namin sa contract signing niya sa VAA last Monday.
Of course, matagal din naman daw niyang pinag-isipan ang desisyon at naging malaking factor din na nasa Viva na rin ang mister niyang si Billy Crawford.
Pero, aniya, ay hindi naman daw si Billy ang deciding factor, pero siyempre ay binigyan siya ng advice since nandito nga rin ito sa Viva.
More on mga pelikula ang gagawin ni Coleen sa Viva. At excited na nga siya to get back to work again dahil matagal-tagal na rin siyang hindi umaarte. Pagkatapos magpakasal with Billy last year ay hindi pa nga naman siya bumabalik ulit sa trabaho.
When asked kung magkakatrabaho ba sila ni Billy sa isang project since magkasama na sila ng management, sagot ni Coleen ay nasubukan na raw nila ito at pareho silang nahirapan.
“Na-try kasi namin sa MMK (Maalaala Mo Kaya), sobrang awkward talaga,” natatawa niyang sabi.
“Parang nahirapan kami sa isa’t isa. Ang weird, eh. Parang ‘yung kung titingnan namin ang isa’t isa na as Billy and Coleen, madali siguro, pero as different characters, parang pareho kaming naninibago.
“Pero I mean, if the opportunity is there, why not, ‘di ba? Depende rin talaga sa story,” she said.
Sa kanyang married life ay nakapag-adjust na rin naman si Coleen at wala naman daw siyang masabi sa kanyang asawa dahil napaka-sweet and loving daw nito.
“Sobrang loving husband siya, very maalaga, mahilig siya magluto for me, mahilig siyang mag-prepare ng food. Parang isa sa hidden talents and passions niya is cooking talaga and preparing food. So, hinahayaan ko rin siya to explore that passion of his, kasi parang dream niya rin mag-aral ng culinary one day.”
Natanong din kay Coleen ang tungkol sa financial set-up nilang mag-asawa, kung paano nila hina-handle ang budgeting at ani Coleen ay share-share naman daw.
“Kasi, sometimes meron ako, sometimes, meron siya, sometimes wala ako, sometimes, wala siya or sometimes, late kasi dumadating kasi di ba, siyempre, minsan late dumadating din ‘yung mga salary, so what we do is, kung may kailangan siyang bayaran, tapos, wala siyang pambayad at that time, he gets it from me, tapos ako, ganu’n din. Parang shared lang.
“We don’t keep record, parang we just ask out of being polite, pero it’s understood na we’re there for each other, what’s mine is yours,” sey ni Coleen na mas lalo pa yatang gumanda at nag-bloom ngayong married na.
***
Dedma na lang si Mika dela Cruz sa lahat ng mga bashers nila ni Nash Aguas na hindi pa rin maka-move-on sa love team ng young actor kay Sharlene San Pedro. Mistulang ipinagsisiksikan pa rin ang NashLene.
“Kasi, kilala ko si Sharlene, eh. Alam ko silang dalawa, eh, kung paano talaga sila. Tropa ko po si Sharlene. Kung baga, parang ‘ano ba ‘yan?’ Hindi namin ma-imagine lahat. Paano? Parang ganu’n. Magkakaibigan po kaming lahat. Nagre-reunion kami hanggang ngayon,” sey ni Mika.
Matatandaang magkakasama sila sa “Goin’ Bulilit” noon at totoo namang magkakatropa talaga sila.
Ayon pa kay Mika, sinusuportahan pa nga niya ang love team ng dalawa noon.
“Nu’ng movie nila, nagsu-support naman ako, ngayon, nagko-congrats sila sa akin. Okay ‘yung friendship namin, si Sharlene, lahat kami.
“Iba ‘yung bonding ng ang tagal n’yong magkakatrabaho. Iba po, eh. Every Saturday ‘yun tita, ilang taon kaming magkaka-work lahat,” sey pa ng isa sa bida ng Kara Mia ng GMA Telebabad.
Kaya ‘pag may nang-iintriga raw sa kanila ay natatawa na lang sila. Magkaibigan daw sila ni Sharlene at walang-wala raw issue sa pagitan nila.