Team Standings
(PBA Commissioner’s Cup)
W – L
Rain or Shine              5 – 1
Alaska                            4 – 1
TNT KatRopa            4 – 1
Magnolia                      3 – 1
Meralco                        3 – 2
Phoenix                        3 – 3
GlobalPort                  3 – 3
Columbian Dyip      3 – 3
NLEX                              2 – 4
San Miguel                  1 – 3
Ginebra                         1 – 3
Blackwater                  0 – 7

Mga laro ngayon (MOA Arena)
4:30 pm – Columbian vs. TNT
7 pm – Ginebra vs. Meralco

Habang nagpapahinga sa All-Star break ang ibang teams, abala naman ang Columbian Dyip sa paghahasa ng kanilang depensa.

Huling umarangkada sa PBA Commissioner’s Cup ang Dyip noong May 16 nang pataubin ng Magnolia 126-101.

Umaasa si coach Ricky Dandan na sa dalawang linggong praktis ay magagamit ang depensa para umangat mula sa even 3-3 card.

“We had a productive two weeks of practice instilling a collective mindset focused on defense,” lahad ni Dandan kahapon. “We hope to bring this tomorrow for us to have a chance of getting our fourth win.”

Masusubukan ang progreso ng Columbian laban sa TNT KaTropa sa first game mamaya sa MOA Arena.

Galing ang Texters sa 120-101 victory kontra Blackwater noong May 18, sa 4-1 card ay kabuhol sa second spot ang Alaska.

Mapapalaban ang Dyip dahil ibinalik na ng TNT ang bruskong si Josh Smith kapalit ni Jeremy Tyler, ni-reactivate na rin si Kelly Williams at nilagay sa injured/reserved list si Yousef Taha.

Nadala ni Smith ang TNT hanggang finals ng midseason conference noong isang taon bago yumuko sa San Miguel Beer.

Sa pagdating ni Tyler at ni Williams, nadagdagan ang loaded nang lineup ni Nash Racela na may Jayson Castro, Terrence Romeo, Jericho Cruz, Troy Rosario at Roger Pogoy na.

League-leading ang averages ni Columbian import John Fields na 31.67 points at matikas na 15.33 rebounds per outing, bagay na hindi nakaligtas kay Racela.

“Columbian is definitely a stronger team now,” anang TNT coach. “We need to get back in transition and be able to defend their 3s.”