Sa pangalawang laro, binawian ng Adelaide 76ers ang Gilas Pilipinas 85-75 sa Meralco Gym sa Pasig Linggo ng gabi.
Naiganti ng Australians ang 92-83 loss sa unang goodwill match nitong Biyernes.
Naiwan ng hanggang 65-44 ang mga Pilipino pero nakadikit sa 80-73.
Kaya lang, ‘di na bumitaw sa unahan ang 36ers.
Positibo sa Gilas si Kiefer Ravena, parang ‘di nawala ng 18 months mula suspension ng FIBA (International Basketball Federation).
Pitong sunod na puntos ang kinamada ni Ravena para umpisahan ang second quarter tapos maiwan ang Gilas 29-13 tapos ng first.
Sa kanyang unang laro tapos ng suspensiyon, bumutas si Ravena ng 11 points mula 5 of 8 shooting.
Nanguna sa Nationals si Andray Blatche na may 16 points pero 4 of 7 lang mula sa field. Nailayo siya sa kanyang comfort zone sa paint, nagbaba lang ang naturalized center ng 6 rebounds at may 5 assists.
Sina Blatche at Ravena lang ang naka-double figures sa Gilas, may tig-8 points sina Mark Barroca at CJ Perez.
May 14 assists lang ang Filipinos, 14 din ang nilistang turnovers. Outrebounded din ang Gilas 41-34.
Namuno sa Adelaide ang 16 points at 7 rebounds ni Daniel Johnson. May 15 points pa si Eric Griffin at 10 kay Jack McVeigh.
Mula sa field at 26 of 65 lang ang mga Pinoy, mas malamyang 6 for 23 sa 3-point range.
Ilang araw na bubusisiin ni coach Yeng Guiao ang mga bagay na kailangan pang i-adjust ng Gilas bago sumabak sa FIBA World Cup sa China sa Aug. 31-Sept. 15. (Vladi Eduarte)