Buong akala ni Aling Daling, nang lumayas ito sa bayang magiliw ay gagaling na sa aktingan.

‘Yun pala, nag-asawa lang at nagkaanak pa.

Happy family naman sila kaya bawing-bawi siya roon, in fairview.

Noong nasa ­Philippine area of responsibi­lity pa siya ay ang dami niyang movies na ­halos bold, erotic at sexy kaya puro halinghing lang ang alam niyang ­akting.

At ngayon nga ay nakabalik na siya at vavavooom pa rin, in fairview part 2.

Andaming out of town shows at guestings sa tv shows! Na-regular pa siya sa isang drama series.

Pero hindi siya napapansin. Ang chika kasi, wah pa rin siya knows umakting.

Umaani siya ng sandamak2 na tili at talakitok dahil simpleng eksena lang, hindi niya pa maitawid.

Pang-Guinness World Records ang kanyang nakukuhang… TAKE!

Maning-mani niya ang take 20 to take 45 pero si comebacking actress, nakangiti pa rin.
Kaya sina direk, assistant direk at EP, hindi siya matanggal. ­Winner!

***

t-21-gay-comedians-cmykNagkabugan sa isang cheapie-cheapie bang-bang na bar!

Himutok churu­rut ng mga kaibigan ng dalawa, pati ba naman sa lugar na ganoon, ipapakita nila na wala silang paggalang sa sarili nila.

Respect begets res­pect!
Kada weekend lalo na’t wlang raket, present ang dalawang chipipay sa katutungga ng alak.

Kapag nalasing, akala mo’y kanila ang bar dahil sa sobrang ingay.
Papansin baga sa mga mhin na karamihan ay pamhinta.

Si gay comedian #1, nag-start sa TV sa mababang position.
Si gay comedian #2, trying hard copycat sa pagpapatawa sa mga comedy bar.

Si gay comedian #1, nakailang movies na at nai-launch na rin pero so-so lang ang kinita.
Si gay comedian #2, mabibilang sa mga daliri ang nilabasan niya sa tv.

Si gay come­dian #1, anda­ming tv exposure.
Nagka-concert na sila pero hindi napuno ang venue.

Sa ibang bansa, winner silang dalawa… kaya we have a tie!

May pareho rin ­silang like sa buhay… ang magpakalango sa alak, at maglumandi sa mga ­lalaking pakalat-kalat.

Palakasan din sila ng boses na para bagang mga contestant ng biritan.
Diveki vs Divaklush!

Divading vs Divadiday!
In this corner!

Walang nagpapa­talo sa dalawang lucrezia borgia, kaya kapag sila’y paentang at hilong-hilo na, dedma ang mga utaw.

Pinagtatawanan na lang sila at hinahayang matumba!