AYAW paapekto ni comedian kahit andami nang nakakaalam na wah na siya show at raket sa showbiz.

Sayang ang talento niya, tsk! Tsk! Tsk!

Nag-umpisa siya bilang staff sa isang TV show. Dahil ma­galing, naging part na siya ng naturang comedy show.

Nagkapelikula at TV shows na mahaba ang role. Pati mga comedy bar, niraket niya kahit super-busy na siya.

Naging close siya sa mga may name sa showbiz at pulitika.

Doon lumaki ang ulo niya sa itaas. Hydrocephalus Syndrome!

Kinakaya-kayanan na lang niya ang mga maliliit na worker sa industriya.

Bili dito, bili diyan ang drama niya.

Jowa doon, jowa dine ang gusto nya at walang mangingialam dahil may datung siya.

Pero sa bahay nila, hindi siya tumutulong. Dedma siya sa pambayad ng bills.

Ang mga kamag-anak niya, galit na galit na sa kanya.

At ito na ang sumpa!

Ang kamandag ng Karmalas!

‘Yung business na ibi­nigay niya sa kanyang jowa, na-padlock dahil wah siya pay nang 3 months.

‘Yung mga raket niya, nawalang lahat dahil sa wagas na kayabangan niya.

‘Yung mga rich friend niya, lost in space isa-isa dahil jinujuta­ngan niya.

Walang kaduda-duda, si comedian eh nganga!

Pero ayaw niyang magpaapekto. Para bang it’s just a state of mind.

Huwag mong hayaang kagatin ka ng katotoha­nan.

Kung ang katotohanan eh nagdudumilat, magbulag­-bulagan ka.

Basta, feeling ni come­dian… yayamanin pa rin siya at kilala sa industriya.

Eto na… Napagod si comedian sa kasasakay sa jeep at tricycle.

Kumuha ulit sya ng carumba.

Carramba!

O, di ba naman? Yayabangin pa rin!

One day, isang araw… may nagna-knock-knock (who’s there?) sa gate.

Isang mamang naka-long sleeves with necktie.

May lu­mabas na babae. Nag-usisa si mamang naka-necktie kung doon ba nakatira si kome­dyante.

Umoo naman si ate, at pina-enter ang mamang nakakurbata.

Na-shock si Mr. Necktie dahil walang jilaw sa bahay ni feeling-yayamanin.

Sabi ni ate, pinutulan sila ng Meralco dahil 4 months nang wah pay.

Nagtanong si ate kung ano ang sadya ni Mr. Necktie.

Sagot ng lalaking nakakurbata, kumukuha kasi ng kotse si kumedyante….

Napabulyaw si ate!

Paano makaka­bayad sa kotse si kome­dyante eh ‘yung kakainin nila, ipinanghihingi pa?!

Putol ang tubig sa bahay nila at mara­ming nanininingil ng utang!

Pati pang-load sa cellphone ni kome­dyante, utang din!

3 Responses