NAKILALA siya sa isang contest para sa mga comedian.

Kahit hindi nanalo, dumami rin naman ‘yung shows niya.

Dahil magaling lalo na sa timing, nabigyan siya ng role na BFF o sidekick ng bida.

Araw-araw na siyang napapanood sa serye kaya super-demand siyang taasan ang kanyang talent fee.

Kinuha siya sa isang movie na pang-MMFF at maganda ang role niya. Kinausap siya ng talent coordinator kung pwede siya. Siyempre, tuwang-tuwa si comedian.

Hindi niya itinanong ang role niya. Ang tanong ni comedian, magkano ang TF niya at ilang araw ang shooting niya.

Siyempre, may tawaran sa TF. Parang isda sa palengke ang peg.

Si comedian, ayaw magbaba ng asking price. Ang hanash, mababa na ‘yun at hindi sila magsisisi dahil pam-best actor ang gagawin niya.

Ang first shooting day ay sa bandang Makati. Eh taga-Manila lang si comedian.

Pagdating sa location, pinababayaran ni comedian ‘yung gas niya. Puma­yag ang executive producer dahil maliit lang naman.

Make-up time… linga nang linga si comedian.

Naguluhan si gay make-up artist nang tinanong siya ni comedian kung nandiyan na ang may hawak ng datung.

Sabi ni beki, maya-maya pa ‘yun.

After a little while… ask ulit ang ganid na comedian kung andiyan na ba si talent coordinator.

Ipinatawag ni comedian si TC at pinaalalahanan na kaliwaan ang payment.

At dapat daw, CASH. May request pang baka pwedeng makuha na. Baka raw kasi magkalimutan.

***

Chika ni TC, sigurado ‘yun at alam ni comedian ang kalakaran (SOP, standard operating procedure) kahit saang shooting o taping na ibinibigay ang TF pagkatapos.

Gumiling ang camera. Nakunan na si comedian.

After ng kanyang eksena, hinanap ulit ni comedian ang cashier kung dumating na.

Dinner break… si comedian, wagas ang pag­lamon. Parang wala nang bukas kung lumafang.

Retouch time… 3rd scene na niya… Biglang chika at itinuro ni comedian ang isang babae na may dalang malaking bag na naglalaman ng mga envelope.

YES! ‘Yun na ang tagabigay ng datung.

Next scene ni comedian. Ginalingan niya… pero pinapaulit ni direk!

Sabi ng gahaman, OK na ‘yun. Gustung-gusto na niya kasing makuha ang datung niya at umuwi.

Tapos na siya at kinuha agad ang datung.

Fly fly the buterfly!

Two days after, may guesting naman si comedian sa isang game show. Ask ulit ang hitod kung magkano.

Sana raw, huwag malaki ang kaltas sa BIR.

Go-go-go na ang taping. Talo si comedian kaya ganu’n na lang ang galit niya.

Kinausap ni comedian ang TC ng show, kung pwede bang makuha na ‘yung TF niya. Tutal, hindi ito kalakihan.

Hindi puma­yag ang pamunuan ng show. Bawal kasi ‘yun.

Makukuha ‘yung TF two weeks after ng airing ng episode.

‘Yung 2nd day ng shooting ni gahaman sa pelikula, kinansela.

Bad trip sa kanya si direk at ang staff.

For your information, beloved readers, si comedian ang Hari ng Rediscount.

Hindi umiinit ang cheke sa mga kamay niya.

Bakit kaya ganu’n s’ya? Sugarol ba siya o adik?

***

Sa mga lalaking gahaman sa laman, I AM SORRY…

Wala kayong pag-asa na masungkit ang aking pagkasarap-sarap na OO.

Ayokong maging sex slave.