MAPUTI, makinis at gumanda na rin naman itong si comedienne.
Napapanood pa rin naman siya sa TV at pelikula.
At feelinggera pa rin si komedyana. Ayaw patalbog kahit kanino man at maging sino ka man… palaman suman gulamaan!
Maingay siya sa loob at labas ng bahay nila.
Nakaugalian niya ang makipagsosyalan and rubbing elbows with the rich, the famous and the powerful.
Gaya-gaya puto maya siya sa pananamit ng mga iniidolo niyang yayamanin.
One day isang araw, go si komedyana sa isang mall. Buy kung buy!
Pay kete pay ng mga pinamili na ‘yung iba naman ay sale.
Palabas na sila ni yayey, na-sight ni komedyana ang masasalubong na plenty of people of the metropilis.
Nataranta si ate! Nagmamadaling itinalukbong ang dala-dalang alampay.
Syempre, nagtaka ang mga mamamayan.
Zino ziya?
Maging si yaya bonnel, takang-taka sa drama ng ate niya.
Akala ni komedyana, nakalayo na sila.
Tinanggal ni ate ang talukbong niya.
Tumambad sa mga utaw ang kinis-kinisan niyang mukha.
Reaksyon ng mga tao, “Sino ba ‘yun? “Artista ba siya?” “The WHO times two?” “Cynthia Villar, Cynthia Patag, Cynthia Luster?”
Nagkumahog sina ate at yaya sa pagtalilis.