Comedienne, super-bakod sa yayamaning kaibigan

COMEDIENNE, ipinagdamot ang kaibigang yayamanin sa mga artistang nakikita nila at nasasalubong.

Lagi niyang chika, friend niya ito na nagbabakasyon lang sa Pilipinas at aalis na rin agad.

Binabakuran niya ito dahil tuwing magkikita sila ay give nang give ito sa kanya ng datung.

Kaya pati family niya ay isinasama niya para maambunan ng biyaya mula sa pitaka ng mak­yomang ale.

May isang insidente sa isang hotel na pangmayaman, na-sight si komedyana ng dati niyang friend na pretty actress, na rich na rin ngayon.

Hindi alam ng luka-luka kung saan idadaan ang rich woman para mailayo ito sa pretty actress.

Nagawa naman niya kaya ang sobrang hingal ni lukring ay napalitan ng matamis na ngiti.

Hanggang niyaya na siya ng mayamang ale na lumafang muna sa mamahaling resto.

Doon na rin nila hihintayin ang mga shupatengga, jumangkin, junakis at frienditas ni richie woman.

Binigyan sila ng menu.

Nanlaki ang mga mata ni komedyana dahil mahalia mendez ang mga presyo ng food.

Chumika pa si ateng tago nang tago na lumipat na lang sila ng resto dahil dollar ang presyo ng lafang.

Answer ni ateng rich, OK lang ‘yun dahil masasarap ang foods at favorite talaga nila.

At dumating na ang mga hinihintay nila…

Nalokah si komed­yana dahil from head to foot, mamahalin ang mga suot ng entourage.

Pati ang mga bag na mayroon sina Heart, Marian & Jinkee, havey sila.

Sabi ng sisterette, malapit na ‘yung isang friend nila.

Dumating na nga ang friend!

Na-sight ni komed­yana si pretty actress na pinagtaguan niya para hindi makilala ang rich friend niya eh matalik na magkaibigan pala ang mga ito.

Chika ni pretty actress kay komedyana, bakit itinago sa kanya si aleng yayamanin eh friend niya ito noon pa.

Sabay chika ni pretty actress, “Hoy, kilala kita! Peperahan mo na naman itong kaibigan ko!

“Alam ko na ang mga drama mo sa buhay! Lagi mong chika, may sakit ang nanay mo, hiwalay kayo ng asawa mo eh hindi naman!

“Lagi mong drama, kargo mo ang family mo tapos, may anak ka pa na wala nang ama!”

Dagdag ni pretty actress, kapag kinukuha sa show si komedyana na kasama ang iba pang artista, lagi niyang banat for charity ito at walang bayad.

Kinakangkong ni komedyana ang datung!

Maya-maya, nawala na parang bula si ko­medyana.

Hindi na siya naki­pagkita kay rich woman.