Comelec dapat sampolan ang mga pasaway

Isa si dating Special Assistant to The President Bong Go sa mga kandidatong dapat na bantayan ng Commission on Elections (Comelec) sa usapin ng sobrang gastos sa kampanya sa eleksiyon.

Malinaw naman ng tatlong piso lang kada botante ang dapat na gastusin ng isang kandidato.

Bukod dito ay maraming alegasyon din na ginagamit ni Bong Go ang pondo ng ilang ahensiya ng gobyerno para sa kaniyang pangangampanya.

Pinabulaanan ni Bong Go ang alegasyon at kaniyang tiniyak na hindi daw siya gumagastos ng pondo ng taumbayan.
Pero alam naman ng lahat na walang aamin sa sinumang opisyal ng gobyerno o kandidato ng administrasyon na umaabuso sa pondo ng bayan.

Dahil dito ay dapat na bantayan ng Co­melec ang kampanya ni Bong Go at ng iba pang kandidato sa posibleng sobrang gastos sa kampanya na labag sa itinatakda ng batas.

Sa ating mga botante ay maging matalino sana at alamin kung sino ang mga gumagastos ng malaking halaga sa kampanya.
Kung malalaman ng mga botante na malaki ang ginagastos ng isang kandidato maging senador o local candidates ay dapat mag-isip ito kung papaano babawiin ang nasabing gastos sa kampanya.

Sa malaking gastusin, ang mga posibilidad ay ang paggamit ng pondo ng bayan o ang paggastos mula sa mga negosyante pero nakakabahala ay kung papaano babawiin ito?

Sana naman ay sampolan ng Comelec ang mga kandidatong luma­labag sa batas sa pangangampanya maging ito ay kapanalig ng administrasyon o oposisyon.