Comelec nag-oplan baklas sa QC

Nagsagawa ang Commission on Election (Comelec) ng ope­ration baklas sa ilang bahagi ng Quezon City laban sa mga iligal na campaign materials na ikinabit ng mga supporter ng mga kandidato para sa May 13 mid-term elections.

Dakong alas-nuwebe nang umaga nang simulan ng grupo ng MMDA at Election Officer, COMELEC 3rd District Rommel Matreo ang Task Force Operation Teardown (oplan baklas) laban sa mga campaig mate­rial na iligal na nakakabit sa may kahabaan ng Anonas Road, QC maging sa paligid ng Galas.

Nalaman na may 50 iligal na campaign materials ang nabaklas sa Galas. Habang may 100 naman sa mat Anonas. (Juliet de Loza-Cudia)