Comelec, Smartmatic umayos kayo – Palasyo

comelec

Mahigpit na binalaan ng Malacañang ang Commission on Elections (Comelec) at ma­ging ang contractor nito na Smartmatic na huwag gumawa ng labag sa batas sa araw ng eleksyon.

Ginawa ni Presidential Spokesman Salvador Panelo ang babala bunsod ng mga natanggap na sumbong at impormasyon ng umano’y da­yaan sa absentee voting ng mga overseas Filipino worker (OFW).

Sinabi ni Panelo na dapat mahigpit na bantayan ng Comelec ang kanilang trabaho para matiyak ang isang malinis, tapat at maayos na eleksiyon.

“We would like to issue a very stern war­ning. Concerns and apprehensions have been raised as to the conduct of this elections. Marami ta­yong naririnig na mga pangamba, kesyo may mga daya daw sa overseas eh. So we are urgin­g Comelec to be on guard and to perform their constitutional duty to make this election clean, honest, orderly and peaceful,” ani Panelo.

Maging ang Smartmatic na siyang may kontrol sa mga makinang gagamitin sa pagbilang ng mga boto ay winarningan ng Malacañang na gawing maayos ang trabaho dahil may mga inilatag na mga hakbang si Pangulong Rodrigo Duterte para malaman kung sino ang mga nandaya at kung paano dinadaya ang mga boto.

Sinabi ni Panelo na huwag ng subukan ang ano mang planong mandaya ngayong eleksyon dahil hindi mangingimi si Pangulong Duterte na parusahan ang mga mahuhuling gagawa nito.

“We would like to warn any personnel of the Comelec as well as the contractor, the Smartmatic, gawin ninyo ang dapat gawin na maayos in accordance with law, because the President has put in place measures and he will determine kung sino at papano ninyo dinadaya ang eleksiyon.

Kung meron man ka­yong mga balak huwag ninyong ituloy because the President will not tolerate it and the law will be thrown at them,” dagdag pa ni Panelo. (Aileen Taliping)