Community quarantine suportado ng SMC Tollways

Nagpahayag ng lubos na suporta ang San Miguel Corporation (SMC) Tollways sa pagpapatupad ng mga kinakailangang hakbang sa Southern Luzon Expressway (SLEX) para mapigilan ang pag­laganap ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Ayon sa inilabas na pahayag ng SMC Tollways, habang kanila pang hinihintay na ilabas ang Implementing Rules and Regulations (IRR) para sa community quarantine sa Metro Manila ay nauunawan nilang kabilang dito ang mga sumusunod:

*Paglalagay ng mga checkpoint na pamamahalaan ng mga military at police personnel.

*Magpapakita ng kanilang identification card ang mga motorista para malaman na nagtatrabaho sila sa Metro Manila.

*Gagamit ng thermal scanner para ma-check ang temperatura ng bawat tao kung kaya’t asahan na ang konting pagkaantala ng biyahe.

Tiniyak ng SMC Tollways na maglalabas sila ng mga impormasyon hinggil sa mga official at upda­ted guidelines kapag inilabas na ng ­gobyerno ang IRR para sa community quarantine sa Metro ­Manila.

Para naman protektahan ang mga motorista at mga tollway employee, ang SMC Tollways ay gumawa ng mga kaukulang hakbang katulad ng pag­lalagay ng mga alcohol dispenser sa mga toll plaza at mga SMC Tollway facility; pinagsusuot ang mga teller at traffic personnel ng face mask at surgical glove; nililinis kada shift ang mga toll booth at patrol vehicle.