Nanggigil sa galit ang isang mambabatas sa Social Security System (SSS) officials matapos matuklasan na limang taon na umanong apektado sa computer glitch ang nasabing ahensya.
Ayon kay Bayan Muna party-list, magpapatawag ito ng imbestigasyon sa Mababang Kapulungan ng Kongreso upang gisahin ang mga SSS officials sa problemang itinatago ng mga ito sa publiko.
Nabuko ni Zarate na sa loob ng nakaraang 5 taon ay nakakaranas umano ng computer glitch ang SSS kaya apektado ang mga remittance record ng ahensya at walang ibang nagdudusa rito kundi ang kanilang milyun-milyong miyembro.
Nangyayari ito sa gitna ng mga malalaking bonus ng mga SSS officials subalit hindi nila sinusuklian ng maayos na serbisyo ang kanilang mga miyembro o manggagawa sa pribadong sektor.
“Nakakagalit at nakakahiya ito sa mga miyembro, kung makahingi ng bonus at dagdag sahod ang SSS board wages, tapos palpak naman records nila,” ayon kay Zarate.
Dahil dito, hindi na rin nagtataka ang mambabatas kung bakit hindi mahabul-habol ng SSS ang mga delingkuwenteng employers na hindi nagre-remit ng SSS contribution ng kanilang mga empleyado.
“Hindi natin ito palalagpasin dahil ang kawawa diyan ay ang mga members na umaasa na kapag nagkasakit sila o nangangailangan ay mayroon silang matatakbuhan,” ayon pa sa mambabatas.
Hanggang ngayon ay masama ang loob ni Zarate sa SSS dahil hindi nila sinuportahan ang dagdag na pensyon ng mga senior citizens kaya hindi nilagdaan ni dating Pangulong Benigno ‘Noynoy’ Aquino III ang nasabing panukala.
ngayon ho nalaman nyo na.. baka hanggang salita rin lang kayo..