Mas praktikal sa gastusan ang Constituent Assembly (Con-Ass) dahil dalawang bilyong piso lang ang gagastusin dito kumpara sa pitong bilyong piso na isusuka ng tax payers sa paghahalal pa lamang ng Constitutional Convention (Con-Con) delegates.
Ito ang sagot ni House majority leader Rodolfo Fariñas sa alegasyon ni Albay Rep. Edcel Lagman na kaya tinalikuran ng administrasyon ng Con-Con ay dahil may plano ang mga ito na i-fast-track ang pagpapalit ng sistema ng gobyerno.
“There’s no ‘inordinate fast-tracking’. It’s simply practical and plain common sense. A constitutional assembly would spend no more than two billion peso, while a Con-Con, from six billion to seven billion peso, and that figure is only for the election of delegates,” ani Fariñas.
Ang halaga aniyang ito ng hanggang 10 beses dahil sa sahod ng mga delegado at mga staff Con-Con, renta ng kanilang opisina at iba pa sa loob ng dalawang taon nilang pagtatrabaho.
“The Charter Change (ChaCha) initiative seeks to bring about comprehensive reforms in Philippine society. Congressman Lagman speaks out of turn when he insinuates that the Duterte administration has an ulterior motive in seeking Charter Change and shifting to federalism. President Duterte has even said he would resign once the federal system has been set up,” ayon pa kay Fariñas.