Pormal ng binuo ni Pangulong Rodrigo Duterte Ang Consultative Committee na siyang magsasagawa ng pag aaral at konsultasyon na may kinalaman sa panukalang Charter Change (Cha-Cha).

Sa 24 na katao at 19 na Ang hinirang ng Pangulo na pamumunuan ni Retired Supreme Court Chief Justice Reynato Puno at kilalang legal experts at nagmula sa ibat ibang sektor.

Ang pinakamagandang hakbang na ito ng Pangulo ay ang pagkakahirang Kay CJ Puno na kilalang may kredebilidad na walang pansariling interes .

Si CJ Puno ay naunang nagsabi na hindi dapat panghinayangan Ang gastos sa pag amyenda sa Konstitusyon sa pamamagitan ng Constituional Convention (Con-Con) kung kaya’t inaasahan na Ang mabubuuong rekomendasyon ng komiteng ito ay siyang pakikinggan ng Pangulo at magsisilbing senyales sa mga Senador at Kongreaista na kasapi ng mayorya o administrasyon.

Sa aking pananaw at ng ilan pang Senador ay mas makakabuti nga na Con-Con Ang gamiting pamamaraan sa Cha-Cha.

Mas nakasisiguro tayong lahat na may pulido at Hindi mananaig Ang pansariling interes sa mga bubuo ng Con-Con.

Mahirap kasi ipagkatiwala lalo na sa mga Kongresista Ang Cha-Cha dahil mas inuuna ng mga ito Ang pansariling pakinabang tulad sa pag aalis ng term limits at maipatupad Ang term extension.

Nabisto na ng publiko Ang mga ginawa ng Kongresista na atat na atat sa Cha-Cha dahil Ang nais na unahing isulong ay ang pag aalis ng term limits at ipatupad ang term extension sa lahat ng halal na opisyal.

Naunang nanindigan Ang mga Kongresista na sila lang at hindi na kasama Ang Senado at ipipilit Ang Cha-Cha.

Pero sa idinaos na pagdinig sa Senado ay agad nalaman ng publiko Ang magandang paghawak ng Senado sa usapin dahil sa pag imbita sa mga legal luminaries kasama Ang mga dating kumatawan sa pagbalangkas ng 1987 Constitution.

Kung Con-Con Ang tututok sa Cha-Cha ay mas komprehensibo Ang gagawing pag aaral kumpara sa mga mambabatas na may iba pang pinagtutuunan ng pansin tulad ng pag gawa ng batas.

Isantabi na Ang Constituent Assembly (Con-Ass) na mas makakatipid nga sa gastusin pero hindi pulido Ang trabaho at kaduda-duda Ang mga resulta nito samantalang kung Con-Con ay mas may kredebilidad at malugod na tatanggapin ng mayoryang Pilipino.

End