Conductor natagpuang patay sa bus

dead-body

Isang bus conductor ang natagpuang patay ng kasamahan niyang driver sa loob mismo ng kanilang pinapasadang bus sa kanilang garahe sa Valenzuela City kahapon ng madaling-araw.

Sa ulat nina PO3 Joel Madregalejo at PO3 Herry Terte ng Valenzuela City Police – Station Investigation Unit (SIU), ala-una pasado ng madaling-araw nang maganap ang insidente sa garahe ng Laguna Starbus na matatagpuan sa kahabaan ng MacArthur Highway na sakop ng Barangay Karuhatan ng nasabi ring lungsod.

Ayon sa kasamahan ng biktimang si Rogelio Deleste, 54-anyos, may asawa, bus conductor at resi­dente ng Phase I, Area II, H2 Dasmariñas, Cavite na si Cesar Reponaya, bus driver natutulog umano siya sa bus na kanilang pinapasada nang maka­rinig siya ng ingay sa likod na bahagi ng bus.

Agad siyang nagising at tumayo saka binuksan ang ilaw ng bus at bumulaga sa kanya ang kasamang nakahiga sa lapag at naghahabol ng hininga.

Mabilis niyang nilapi­tan ang biktima at marahang hinaplos ang dibdib ngunit hindi pa rin siya tumitigil sa paghingal at paghahabol ng hininga hanggang sa kalaunan ay tuluyan nang binawian ng buhay.