Kakausapin pa rin ni Tim Cone si Greg Slaughter, pero nagha­handa na ang Ginebra coach ng pamalit sa napipintong exit ng 7-foot slot man sa team.

Klinaro ni Cone na may idea na siyang magbabakasyon ang kanyang center.

“Contrary to some reports, I did know Greg was contemplating taking a break from basketball,” aniya Lunes ng umaga. “We discussed it during our exit meeting immediately following the championship, and I hope to discuss it further in the next couple of days.”

Malamang, ang sinasabi ni Cone ay hindi niya inakala na ganito kaaga ay magdedesisyon si Slaughter na dumistansiya sa laro.

Na-shock din ang mga Ginebra fan sa biglaang announcement ng Fil-Am giant.
“Obviously, his absence in the all-Filipino would be a big blow to the team and his teammates,” panapos namutawi sa Kanong tagamando sa bench ng Gins.

Pagkatapos bawiin ang Governors Cup crown nitong January, unang binanggit ni Cone na hahabulin nila ang Philippine Cup title – kampeonato na absent pa sa kanilang koleksiyon sapul nang timunan niya ang crowd favorite. (Vladi Eduarte)