Mga laro ngayon­ (Smart Araneta Coliseum)
4:15 p.m. — SMB vs. NLEX
7:00 p.m. — Ginebra vs. Alaska

pba-nlex-alaska
Si Asi Taulava (kaliwa) ng NLEX habang binu-bulldozer si Sonny Thoss ng Alaska. Si Taulava muli ang isa sa sasandalan ng Road Warriors sa pagsagupa sa San Miguel Beer sa siklab ng Governors Cup quarters mamaya. (Jhay Jalbuna)

Uumpisahan ng Ginebra at Alaska ang serye para maglag­lagan sa quarterfinals ng PBA Governors Cup sa night cap mamaya sa Smart Araneta Coliseum.

Kailangan lang manal­o ng isang beses ang No. 3 Gin Kings para umusad sa semifinals.

Ang bentahe ng Ginebra ang sasalagin ng No. 6 Aces, naipanalo ang last four eliminations games.

“This is a great challenge for us,” wika ni Alaska coach Alex Compton sa bisperas ng bakbakan. “Ginebra has earned a twice-to-beat advantage and we have to find a way to overcome that. The only way to overcome that is to first do everything possible to win tomorrow.”

Kapag nailusot ang panalo ngayon, makakapuwersa ng second game ang Aces sa Linggo.

“I think they are a good team and I think we are a good team. So I expect a great game for the PBA fans tomorrow,” dagdag ni Compton.

Inaasahan na ni Tim Cone na buong gabing pahihirapan ng Aces ang kanyang Gin Kings. Ilag si Cone sa Alaska kahit tinalo ng Ginebra, 109-100, sa overtime noong July 24, pero aligaga si Cone.

“Of all the teams in the lower four, Alaska is the last team we would choose to play,” lahad ni Cone. “After a tough start they have righted themselves nicely and are playing their ­dynamic game again. We just have to make sure we don’t allow them to disrupt too much what we like to do.”

Handa si Cone sa hamon: “No doubt, we have the toughest road to the semis, but we like the challenge in front of us.”