Muling binakbakan ni Senador JV Ejercito ang nag-iisang kongresista ng San Juan dahil sa drai­nage pro­ject sa lugar na hindi binabaha.

Sa tweet ni Ejercito, binanggit nitong sinasa­yang lamang ng kongresista ang pondo sa road improvement ng kalsadang matino at sa drai­nage project na hindi naman binabaha.

“Ang tino tino ng Wilson Street sa amin sa San Juan, sinira at drainage and road improvement daw ang gagawin. Eh pababa. Kahit kailan di po nagbabaha diyan Mr. Congressman!” diin ng senador.

“Nagsayang nanaman kayo ng pondo!” dagdag pa niya.

Kalakip ng tweet ang larawan ng kalsadang binutasan para mabungkal ang espaltong kalsada.

Bagama’t hindi binanggit ni Ejercito ang pangalan ng congressman, iisa lang ang kinatawan ng San Juan na si Rep. Ronaldo Zamora na tatakbo ng reeleksyon.

Ang anak ni Rep. Zamora naman na si dating Vice Mayor Francis Zamora ang tatakbong alkalde kalaban ang pamangkin ni JV na si Vice Mayor Janella Estrada.

Sinikap ng TONITE na hingan ng komento ang kampo ni Zamora pero wala pang tugon habang sinusulat ang balitang ito.