Congrats sa 10 nanguna sa pagsulat ng Isports

ramil-cruz-turning-point

Natapos na nitong Sabado, Marso 9 ang ikaapat at huling yugto ng Department of Education-Manila Division Schools Press Confe­rence 2019 for Grade 7 sa Florentino Torres High School sa Tondo, Manila.

Hayaan po ninyong i-congratulate ko ang mga contestant na napabilang sa Magic 10 winners sa Pagsulat ng Isports (Filipino sportswriting category), pati ang kanilang mga SPA (school paper adviser) o journalism teacher.

Nangunguna sa kanila ang top 3 na may medals­ at certificates of achievement na sina Kayezia Aze O. Aurellano ng Manila Science High School na ang adviser ay si Susan Arroyo, Guian Z. Saguinsin ng Ignacio Villamor High School na ang adviser ay si Belinda Coronel, at Vernalyn R. Silva ng Jose P. Laurel High School na ang adviser ay si Marian Manaloto.

Umookupa ng ikaapat hanggang ika-10 puwesto na mga estudyante at kanilang tagapayo sina Jasmina Claire M. Cabanting ng Teodora Alonzo High School (Blandina Dugay), Carlos Jose P. Ariola ng Ramon Avancena High School (Mrs. Nardo), Anz Daniel Baita ng Lakandula High School (Iza Verzosa); Tracy Dominique A. Mapanao ng Ramon Magsaysay High School (Sonia A. Alberto), Clark Jaycel T. Mallari ng Jose Abad Santos High School (Mrs. De Jesus), Chyrus Naldoza Cruz ng Gregorio Perfecto High School (Polecina Carmen) at Gerald Vincent E. Franco ng Florentino Torres High School (Celia Novenarco).

Nagpapasalamat ang Turning Point kay DepEd-Mla. Elementary and Secondary Journa­lism Supervisor-in-Charge Ayla Bergado-Urrea sa pag-imbita sa akin bilang resource person-judge.

Katuwang ko si Ms. Bergado-Urrea at si contest host FTHS principal Maria Pura Santillian Talattad sa awarding ceremonies na kumilala sa mga campous journalist winner.

Sa mga hindi pinalad, magbasa lang po kayo nang magbasa araw-araw, mananalo rin kayo sa mga susunod na laban!