Ang petmalu ng kuwento ng isang mambabatas na napilitang tumakbong kongresista matapos mabiktima ng ‘congressional investigation in aid of extortion’ este ‘in aid of legislation’. Ang lupet, mga kongresistang ginagamit ang kapangyarihang mag-imbestiga para kumita.
Yes mga pare ko’y at mare, ayon sa aking bubwit, may isang kongresista ngayon na kinikilan na, at hindi pa nakontento ay binalik-balikan pa ng isang grupo ng mga mambabatas Diyos ko pong mahabagin, ang nagdesisyong tumakbo para matigil ang harassment sa kanya.
Sinuwerte naman ang sikat, prominenteng businessman na manalo kaya miyembro na siya ng kongreso kasalamuha ang tinaguriang ‘Magnificent 7’ na tumira sa kanya ng ‘congressional investigation in aid of extortion’ este ‘in aid of legislation.’
Ayon sa aking bubwit, ang grupo ng mga kongresista ay mga kilalang tirador, notoryus sa ‘extortion through investigation.’ Biruin niyo, sabi ng ating bubwit, nagbigay na si dating businessman na ngayon ay kongresista na rin pero hindi pa rin siya tinantanan at binalik-balikan pa ng mga tirador. Tsk tsk
Ang mga kongresistang ‘identified’ o miyembro ng ‘Magnificent 7’ na sangkot sa ‘extortion through investigation’ ay mga tahiran at matatagal na sa Kamara.
Ayon sa aking bubwit, minsan isang araw ay nilapitan ng kongresistang miyembro ng ‘magnificent 7’ si congressman na biniktima nila at binulungan ng, “pre, sorry ah.”
Ang kongresista naman na big time businessman at lider ngayon ng mga mambabatas sa isang Visayan bloc ay itago na lang natin sa pangalang ‘AB.’