Congressman dinugo sinugod sa ospital

Isinugod sa St. Luke’s Medical Center kagabi si House Deputy Speaker Prospero ‘Butch’ Pichay, Jr. dahil sa labis na pagdurugo ng ilong dahil sa umano’y mataas na presyon ng dugo.

Bandang alas-8:45 nang gabi nang big­lang nakaramdam ng pagkahilo na may kasamang pagdurugo ng ilong si Pichay habang naka-break ang sesyon Kamara.
Agad naman siyang pinuntahan ng mga doktor at nars mula sa House of Repre­sentatives Health Service upang bigyan ng pang-unang lunas.

Ayon sa dalubhasa na sumuri kay Pichay, mataas umano ang presyon ng dugo ng kongresista na naging dahilan ng pagsirit ng dugo mula sa ilong nito.

Kinumpirma naman ito ni Bayan Muna Party-list Rep. Carlos Zarate at sinabing mataas nga ang blood pressure ni Pichay.

Bago isampa sa ambulansya, nakapa­nayam pa ng ilang miyembro ng House media ang mambabatas mula sa Surigao del Sur at sinabing hindi naman gaanong masama ang kanya pakiramdam.

Bandang alas-7:58 nang gabi nang inilabas ang kongresista sa gusali ng Batasang Pambansa at isinugod sa St. Luke’s Medical Center sa E. Rodriguez Avenue, Quezon City upang sumailalim sa iba pang medical tests. (JC Cahinhinan)