Napapaghalata na hindi marginalized ang isang uupong miyembro ng Kamara matapos itong magpasiklab sa kanyang kasuotan sa proklamasyon ng mga nanalong party-list group.
Kinakatawan daw niya ang isang aping sektor ng lipunan, pero nang rumampa sa proklamasyon ay nakasuot ng mga mamahaling damit at sapatos.
Mantakin ba namang naka-Louis Vuitton ang kumag mula sa taas hanggang baba. Ewan lang natin kung pati ang brief ng mokong ay mamahalin din.
Sa kabila ng mamahaling kasuotan, hindi pa rin nagmukhang mayaman ang party-list representative-elect dahil mukha pa rin itong ahente ng insurance.
Clue: Ang bagong halal na kongresista ay mula sa malayong lalawigan at may letrang P sa kanyang pangalan as in Patok.