Construction worker nag-suicide matapos i-block sa FB ng dyowa

Labis na kalungkutan dahil bukod sa iniwan na ng kanyang live-in partner ay na-block pa sa Facebook kaya nagpasya ang isang 35-anyos na constuction worker na tapusin na lang ang kanyang buhay sa Alaminos, Laguna noong Biyernes ng madaling araw.

Batay sa report ng Alaminos police, natagpuan ng kanyang kapatid at nanay ang wala ng buhay na biktimang si Randy (di tunay na pangalan) na nakabigti sa loob ng kanilang bahay sa Brgy. Santa Rosa.

Gumamit ang biktima ng electric chord na ikinabit sa trusses ng kanilang bahay.

Ayon sa ate ng biktima, nalungkot umano ang kapatid nang tuluyang i-blocked ng ka-live in nito ang FB account ng biktima.

Napag-alaman na lumayas sa kanilang bahay ang babae nang magsimula ang enhanced community quarantine at mula noon ay nagtago at iniwasan na nito ang biktima. (Ronilo Dagos)