Consumer group duda sa bagong Meralco bidding

Nagpahayag ng pagdududa ang Power for People Coalition (PPC) kung tunay ngang mapababa ang presyo ng kuryente sa panibagong terms of reference (TOR) na inilabas ng Meralco para sa suplay ng 1,200 megawatt na kuryenteng pinapa-bid nito.

Ito na ang pangatlong competitive selection process (CSP) ng Meralco kasunod ng utos ng Korte Suprema na ipa-bidding nito ang suplay ng kuryente para hindi nadedehado ang mga consumer.

“Magtatapos ang 2019 na pinakamadami ang mga red at yellow alert sa loob lamang ng isang taon sa Luzon grid dahil karamihan sa ating kuryente ay galing sa coal na matagal bago bumalik sa operasyon pagnagkaproblema at mapilitang huminto,” sabi ni PCP convenor Gerry Arances.

“Ang mga panahong manipis ang reserba ay kadalasang sinusundan ng pagtaas ng si­ngil na dobleng perwisyo sa consumers dahil nawawalan na nga sila ng kuryente na nagmamahal pa,” dagdag ni Arances.

Sabi ng koalisyon, asahan ng Meralco na magdududa ang mga consumer dahil nabu­king na ang kasakiman nito sa naunang TOR na niluto umano para mapaboran ang isang kompanya na pag-aari rin nito.

Nabatid na kumukuha na ang Meralco ng basbas para sa 1,200MW at 500MW supply contract nito.

Naghain na ng petition for intervention ang grupo ni Arances hinggil dito. (Eileen
Mencias)