Controversial movie ni Iza, approved W/O CUTS

iza-calzado

HAVEY: Ni-reverse ng bagong MTRCB panel composed of Direk J­oey Romero, Bibeth Orteza, Gladys Reyes, Conso­liza Laguardia and Atty. Ogie Jaro ang naunang classification na ibinigay ng 3-member panel nito at binigyan ang pelikulang Bliss ni Direk Jer­rold Tarog ng unanimous na R-18 classification WITHOUT CUTS.

Apat na board members ay nag R-18 samantalang si Bibeth Orteza ay nagbigay ng R-16 rating dahil naniniwala siya na ‘yung system of abuse na na-depict sa pelikula ay nasa konteksto, hindi malaswa, at hindi nan­g-a-arouse kundi nanggi­­g­ising pa ng critical th­in­king ng mga manonood.

Ang maganda riyan ay siguradong mapapanood na natin ang pelikulang pinuri sa Osaka Film Festival at nagwagi para kay Iza Calzado ng Best Performer award.

Kasama rin sa pelikula ang mga mahuhusay na artistang sina Ian Veneracion, TJ Trinidad, Audie Gemora, Michael de Mesa. Shamaine Centenera-Buencamino, Star Orjaliza, Stephanie Sol, Earl Ignacio at Adrienne Vergara.

Salamat kay Bibeth Orteza na nagbigay sa pelikula ng R-16 rating, kaya aayusin ni Direk Jerrold ang isang R-16 version of the film to accommodate more au­diences and more theaters para sa Bliss.

Ibig sabihin, we may have 2 versions of this very controversial film, depending on your age-level.

So, save the date — May 10, markahan na para sa Bliss.

Ipakita natin na isang pelikulang Pinoy na may maayos na kalidad ay susuportahan ng marami.

Mabuhay ang Pelikulang Pilipino!

***

WALEY: Dinagsa ang MOA Concert Grounds noong isang gabi para sa Manila leg ng A Head Full Of Dreams tour ng Coldplay.

Kakaiba ang pagkahumaling sa ‘Pinas ng grupo.

Dumalaw si Chris Martin sa isang fan na may cancer. Nag-bike din siya sa venue premises.

Nagpaunlak ng m­edia interviews­ at sum­akay pa ng jeepney ang band members papunta ng concert grounds.

Sa experience namin sa Singapore, sobrang ramdam mo ang club feel kasi covered ‘yung stadium, kumportable dahil aircon, seated kami at lahat ng effects ay ramdam ng lahat ng levels ng concert venue.

May mga kaibigan kaming disappointed sa sound system and video walls (nagpi-pixelize daw kasi ito).

‘Yung nasa VIP at Platinum levels lang ang mga anak ng Diyos. Di kasi na-orient ang Gold Silver at Bronze na wala palang pa-bass, pa-HD video walls nor pa-confetti sa binayaran nilang tickets!

Meron namang wristband gadget na pailaw ang lahat pero dahil open air, hindi na inabot ng effects ang below Platinum levels.

Nag-apologize pati si Chris Martin sa presyo ng tickets at sa traffic!

Sabi niya sa spiels, “You all came out here despite the traffic, the concert tickets!”

Ganu’n!

Sabi ng kaibigan naming DJ na nakapanood ng parehong concert sa Singapore at dito, “What’s sad for me dahil nga open air, Chris Martin must have felt na at some point detached yung audience.

“Kasi open air nga at masama ‘yung sound system, so, di maka-react ‘yung mga tao properly. Sa Singapore kasi, first and last note, dumadagundong na react ng mga tao.

“Dito, matagal, kaya feel mo ‘yung artist, medyo mababa nang kaunti ang level ng eynergy!”

Pero kung super faney ka, ok na sa kanila ang ganap sa MOA Concert Grounds.

Sa aftershow sa Sofitel, maraming artista rin, pero waley rin daw. Kasi, bawal magpa-picture at may sariling mundo ang banda.

Na-witness lang nilang mag-clown around si Chris Martin. Pero luhaan ang mga artista kasi walang pa-picture.

Merong magandang post ang kaibigan kong si Gitri San Pedro sa naganap na Coldplay concert sa Manila.

Sabi niya, “While waiting to get in at Coldplay, I noticed a young couple right outside the gates. It was quite obvious that they didn’t have tickets as they made no attempt to enter the ve­nue, but they were singing to the songs.

“They were clearly fans yet couldn’t afford to watch the concert. But even if they were just outside and could only hear the sounds, they were holding hands and quite obviously just enjoying the music and were content in the moment they were sharing together. That for me is love.

“I really hope that concert producers put an end to this ridiculous bidding war to win the concert rights of an ar­tist so that they don’t have to pass the unreasonably expensive cost to the fans.

“Music should be accessible to EVERYONE.”