Mga Sangkap:
3/4 tasa ng asukal
3/4 tasa ng brown sugar
1 tasang butter
2 malaking itlog
1 kutsarita ng vanilla extract
2 1/4 tasa ng all-purpose flour
1 tasa ng baking soda
3/4 kutsarita ng asin
Mani – biniyak

Paraan ng paggawa:

Painitin ang oven ng hanggang 375°. Paghaluin ang asukal, brown sugar, butter at itlog sa isang malaking bowl.

Ihalo ang flour, baking soda at asin hanggang sa ang masa ay tumigas.

Kumuha ng masa at ikorte itong daliri, 2 inches ang layo ng pagkaka­lagay sa ungreased cookie sheet para hindi kuma­lat habang niluluto.

Ii­babaw ang biniyak na mani sa dulo ng korteng daliri na masa para magmistula itong kuko.

Iluto ng 8-10 minuto o hanggang ma­ging light brown ito.

Hayaang lumamig bago kunin sa cookie sheet.