Ngayong kasal na ang dating PBB alumnus na si Cora Waddell sa Australian model na si Terrence Lloyd, marami raw naging pagbabago sa kanyang buhay.

Four months pregnant na si Cora at wala raw siyang regrets na nabuntis siya dahil product of love naman daw at hindi aksidente ang ipinagbubuntis niya.

Eight years din daw siyang sinuyo ng kanyang husband na nagsimula sa flirting.

Sa kanyang bagong estado na-realize rin niya na may mga adjustments siyang kailangang gawin tulad na lamang ng pakikibagay niya sa kanyang mga biyenan.
Naniniwala rin siya na hindi tuluyang makakaapekto ang pagbubuntis niya sa kanyang showbiz career.

Speaking of ‘Recipe for Love,’ nakaka-relate si Cora sa kanyang role bilang Val, isang food blogger at magazine editor na na-in love sa isang chef na ginagampanan ni Christian Bables.

Food lover din daw siya at bilang isang millennial, sobrang nakaka-identify daw siya sa tema at market ng pelikula.

Weakness ni Cora ang chocolate at pinaglilihihan niya ang mga pagkaing maaasim.

Bukod kay Christian, kasama ni Cora sa ‘Recipe for Love’ sina Sophie Albert, Myrtle Sarrosa at Enrico Cuenca.

Showing na sa Nobyembre 21, ito ay sa direksyon ni Joey Reyes.