Cordero, AFP swak sa UNTV Cup finals

Nawalis ng AFP ang best-of-three semifinals series kontra NHA sa pangunguna ni Darwin Cordero na pumoste ng 30 points.

Umayuda si Willy Casula ng 17 puntos at tatlong boards habang bumakas naman ng tig-10 markers sina Eugene Tan at Boyet Bautista.

Pupuntiryahin ng AFP na maging unang tropa na mag-three-time champion sa taunang torneo.

Sa Finals, maaaring makaharap ng Cavaliers ang reigning titlist Senate Defenders o PNP Responders.

Naipuwersa ng tropa ni Mike Fermin ang isang rubber match sa isa pang semis match kontra Res­ponders, 74-69, at natuldukan din ng Defenders ang seven-game winning streak ng PNP.