Ipinalabas noong September 27 to November 2018 sa MBC ang South Korean drama na “Terrius Behind Me” o “My Secret Terrius.”
Pero ngayon, biglang lumabas ito sa mga feed ng Facebook at Twitter. Ang nasabing K-drama ay pinagbidahan ni So Ji Sub.
Naka-post na rin kung anong episode ang dapat na panooorin at tutukan. Mapapanood din ito sa Netflix .
Ayon sa mga post, “na-predict ng My Secret Terrius na mangyayari ang coronavirus!” May mga nagko-comment din na, “ang eerie!”
May dahilan naman talaga para pag-usapan ngayon ang naturang K-drama.
Inilarawan na ang tinatamaan nga raw nito ay ang lungs. From 2 hours to 14 days ang incubation period. Pero kung mapapanood, magkaiba pa rin.
Sa drama, pinalabas itong manmade virus kumpara sa sinasabing nanggaling ito sa Wuhan China dahil sa pagkain ng paniki.
Hindi rin masasabing na-predict ng drama ang coronavirus ngayon. Puwedeng nagkataon lang na sa mga listahan ng virus na wala pang gamot sa CDC (Center for Disease and Prevention), ito ang napiling gamitin ng writer.
Anyway kahit kulang dalawang taon na ang nakalilipas sa nasabing drama , trending ito sa Netflix PH.
Obviously, na-curious ang karamihan sa drama.