Kinumpirma ni Health Secretary Francisco Duque na kayang mabuhay ng hanggang sampung oras ang 2019 novel coronavirus sa mga bagay na walang buhay.
Ito ay kabilang sa mga itinanong ni Senator Christopher ‘Bong’ Go sa ginanap na pagdinig ng Senate Committee on Health kay Duque matapos ang mga report na ang virus ay mapanganib pa rin lalo na ang mga bagay gaya ng mga cargo o shipment na galing sa mga apektadong lugar.
Sinabi rin ni Duque na dapat maging maingat ang publiko sa mga bagay gaya ng keyboard, telephone, panyo, unan at iba pa.
Nagpayo rin si Duque at Department of Labor and Employment na gumamit ng hand sanitizer at panatilihin ang work place na malinis para maiwasan ang pagkalat ng virus.
Naniniwala naman si Duque na ang panahon sa Pilipinas na mainit ay para mamatay ang virus dahil mas nabubuhay ang virus sa malamig na lugar. (Juliet de Loza-Cudia)