Kasado na sa Bicameral conference committee ng Senado ang panukalang layong rebisahin ang Corporation Code upang mapalakas at gawing simple ang corporate governance standards.
Pinaboran ng komite ang parehong bersyon ng Senado at kamara sa kabila ng kasalukuyang report ng Ease of Doing Business ng World Bank kung saan ipinakita rito na bumagsak sa ika-124th place ang overall ranking ng Pilipinas pagdating sa usaping ekonomiya, mula sa dati nitong 133th place.
Ikinagalak naman ni Senate Minority Leader Franklin Drilon, pangunahing may-akda at isponsor ng Senate Bill No. 1280, ang pag-aprub sa panukalang ito na mag-aalis ng limitasyon sa pagpasok ng parehong small at large enterprises sa merkado.
“We are proud to lead the chamber in passing this landmark legislation that will remove the barriers hindering the entry of both small and large enterprises into the market,” ani Drilon.
Ilan sa mga layunin ng panukala ay ang maamiyendahan ang Corporation Code of the Philippines upang mapadali ang pagbubukas ng negosyo sa bansa.