Corpuz asam makabalik agad sa Dyip

Umaasa si Jackson Corpuz na ‘di malala ang natamong injury sa kanyang binti upang agad na makalaro at matulungan ang Columbian Dyip sa kampanya sa 44th Philippine Basketball Association 2019 Commissioner’s Cup eliminations.

‘Di natapos ng 6-foot-4 power forward ang laro sa Dyip Linggo ng gabi tapos magka-injury sa natitirang 6:34 ng fourth kontra San Miguel Beer sa Smart Araneta Coliseum, kinailangang dalhin agad sa ospital nang sabihan ng doctor na sumailalim ura-urada sa MRI.

‘Di nakatayo si Corpuz sa pagkabagsak makaraan ang jumper sa naging mahigpitang laro kung saan naitakas ng Columbian ang manipis na 134-132 overtime upset win sa SMB.

“Sana ‘di siya masyadong mahirap na injury,” sabi ng undrafted sa 2014 PBA, 3-year pro veteran at kakapirma lang ng bagong 3-year contrack sa Dyip nitong Disyembre. “Gusto kong tulungan ang team ko at sana makabalik ako agad sa paglalaro.”

Nakapaglaro lang si Corpuz ng 14:55 kung saan nakatapos ng pitong puntos, limang rebounds at isang assist. May conference ave. ang Bache­lor of Science in Hotel & Restaurant Management degree sa Philippine Christian University ng 23:48 minutes na may 9.7 pts. , 6.7 rebs. at 1.4 asts. (Lito Oredo)