Hindi lang mga korap at pasaway na pulis, kundi kasama ring ipapatapon ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Mindanao ang mga opisyal at tauhan ng gobyerno na tiwali.

Ito ang paalala ng Pa­ngulo sa ayaw pa ring tuminong mga opisyal nang gobyerno nang dumating sa Davao International Airport kahapon ng madaling-araw mula sa tatlong araw na pagdalo sa ASEAN Summit sa Laos.

“When I said that corruption will stop, it will stop. Maniwala kayo… to all government, ‘wag ninyo akong hiyain dito,” muling paalala ni Pangulong Digong.

Binigyang-diin ng Pangulo na hindi siya mangingiming italaga ang mga tiwaling opis­yal ng gobyerno sa Basilan o Sulu.

“I am planning to put an extension office of the national government, I plan to put it in Basilan or Jolo. Be my guest, I will be happy to assign you there,” pahayag pa ni Duterte.

Sinabi pa nitong karamihan sa mahihirap na Filipino ay biktima ng katiwalian sa gobyerno.

“Huwag ninyong galawin ang maliit na tao, kasi sila ang nanga­ngailangan ng gobyerno­. Wala nang pahinga ang tao sa kanyang paghihirap,” paalala pa ng Pa­ngulo sa mga tiwa­ling opisyal at tauhan ng gobyerno.

Nangako rin itong magpapakalat ng mga closed-circuit television cameras (CCTVs) sa lahat ng tanggapan ng gobyerno.

“I will place came­ras there, like a Gestapo. And it’s perfectly alright for me. Why? This is go­vernment. This is not a private enterprise. There is no such thing as a vio­lation of privacy there,” pahayag pa nito.

4 Responses

  1. STEP BY STEP PROPAGANDA FAVORING P. DUTERTE

    Step 1: There’s a creative digital media that is responsible in fabricating news
    Step 2: They will twist the story by cropping the image, insert a tag text, or cover fallacious arguments
    Step 3: The PR firms will use the social media or even the traditional media to disseminate it as legitimate information
    Step 4: TROLLs and other ‘fanatics’ will like, share, and tag
    Step 5: Those who are ‘against the wind’ will be bashed because they are not open to suggestions and criticisms
    Step 6: Without verifying the authenticity of the material, ‘trolls and fanatics’ will provide propositions even their context is out of the premise just to ‘defend and protect’

    Your undisclosed strategy is no longer a secret!

  2. STEP BY STEP NG PANINIRA kay P.DUTERTE

    Step 1 Babanat at gagawa ng issue ang mga ambisyosang pulitiko
    Step 2 Segunda ang Philippine Media
    Step 3 PR firm sa ibang bansa ikakalat sa International Press ang issue
    Step 4 Ipo-post ng mga TROLL ang ISSUE
    Step 5 Mga nagdudunung dunungan at mga pa-sosyal na netizen sasakyan ang issue at manlalaiit ng DDS.

    STYLE NYO BISTADO NA!

    Nakalimutan nila ang 16m+ na DDS pagtatanggol si P.Duterte