Corvette ‘pa-birthday’ ni Jimuel kay Pacquiao

orvette ‘pa-birthday’ ni Jimuel kay Pacquiao

Nahirapang mag-isip ng regalo sa ika-41 kaara­wan ng tatay niyang si Manny Pacquiao kamakailan si Jimuel Pacquiao.

Sa huli, biniro na lang ni Jimuel ang ama sa pagbibigay ng susi ng kanyang Corvette sa kaarawan ni Manny nitong Disyembre 17.

Sa video na ipinost ni Jimuel sa Youtube at Facebook, sinabi nitong, “So my dad just turned 41 a few weeks ago. After the awesome gift he got me on my birthday, it rea­lly got me thinking about what kind of present he’d appreciate.”

“I mean, what does one get Manny Pacquiao for his birthday, right? #MannyPacquiao #Birthday #Corvette,” sabi pa ng binatang anak ng fighting senator.

Engrande ang naging­ selebrasyon ng 41st birthday ng kasalukuyang World Boxing Association (WBA) welterweight kingpin na ginanap sa Rizal Ballroom ng Makati Shangri-La Hotel.