Cotabato City, Daraga kontrolado na ng Comelec

Inilagay na sa ilalim ng Commission on Elections (Comelec) ang kontrol sa Cotabato City at bayan ng Daraga sa Albay hanggang sa pagtatapos ng election period.

Kasunod ito ng nangyaring pagpatay kay AKO Bicol Congressman Rodel M. Batocabe sa isang gift-giving event sa Daraga noong Disyembre 22, 2018 at sa pambo­bomba sa isang mall sa Cotabato City noong Disyembre 31, 2018 na ikinasawi ng dalawang katao.

Sa ilalim ng ­batas, pinapayagan ang Comelec na ilagay sa kanilang kontrol ang isang lugar kung mayroong umiiral na away sa politika sa mga magkakalabang kandidato na maaaring humantong sa karahasan.

Magkakaroon ng kontrol at pangangasiwa ang Comelec sa mga law enforcement agency at opisyal ng militar na naka-assign sa mga nabanggit na lugar.