Cotabato employee itinumba, 2 nadamay

Dedbol ang isang empleyado ng Cotabato City government matapos barilin ng mga ‘di kilalang salarin na ikinadamany ng dalawang iba matapos tamaan ng ligaw na bala kamakalawa ng gabi.

Nakilala ang nasawi na si Amman Juanday na noon ay nakatambay sa kanyang motorsiklo sa kahabaan ng Tulingan Street sa Barangay Bagua 2 at may kausap nang mangyari pamamaril.

Sugatan naman sina Haynen Mamantar, 20, at Salam Paki, 16, matapos tamaan ng bala mula sa .45 kalibre pistol.

Narekober naman ng mga pulis sa lugar ang mga basyo ng bala at ula sa 9mm pistol.

Patuloy ang imbestigasyon sa krimen upang mabatid ang motibo sa pagpatay at kung sino ang nasa likod nito.