Tapos na naman ang season ni Golden State starting center DeMarcus Cousins, inabot ng torn left quadriceps muscle sa first quarter ng Game 2 loss sa Los Angeles Clippers sa West first-round playoffs.
Nakumpirma ang tear sa MRI nitong Martes, ayon sa two-time defending champion Warriors ay uumpisahan agad niya ang rehabilitasyon at magbibigay na lang sila ng update.
“Out for significant period” si Cousins, ayon kay coach Steve Kerr pagkatapos ng 135-131 loss ng Warriors nitong Lunes.
Sumalang sa pangalawa lang niyang playoff game makalipas ang siyam na taong paghihintay, bumagsak si Cousins sa harap ng Golden State bench tapos sikwatin ang bola kay Patrick Beverley sa back court. Sapo-sapo agad niya ang kaliwang hita, iika-ikang pumasok ng locker room sa 8:09 mark.
January lang nakabalik si Cousins mula halos isang taong rehab sa inoperahang torn left Achilles tendon habang nasa New Orleans pa noong isang season. (VE)