WAGI sa takilya ng North America last weekend ang bagong bukas na Alien: Covenant ($36.2M).
Napatalsik nito sa unang puwesto ang Guardians of the Galaxy Vol. 2 ($34.7M), na naka-$301.4M sa tatlong weekend.
Pangatlo ang bagong bukas na Everything Everything ($11.7M).
Pang-apat ang Snatched ($7.8M), na naka-$33.1M sa dalawang weekend.
Panlima ang King Arthur: Legend of the Sword ($7.15M), na naka-$27.5M sa dalawang weekend.
Pang-anim ang bagong bukas na Diary of A Wimpy Kid: The Long Haul ($7.13M).