PATULOY ngang tumataas ang bilang ng mga NBA player na nagpositibo sa coronavirus o COVID-19.
Una ngang nagpositibo si Utah Jazz defensive player Rudy Gobert na sinundan ng kanyang ka-one two punch Donovan Mitchell.
Pumangatlo si Detroit Pistons center Christian Wood na nakalaban ng Jazz kaya maaaring nahawaan ito.
Tinamaan din ang Brooklyn Nets star player Kevin Durant kahit pa hindi ito naglalaro ngayong season.
Sapul din si Boston Celtics defensive guard Marcus Smart.
Habang sa team naman ni LeBron James na Los Angeles Lakers ay dalawa ang nagpositibo sa virus.
Napagdesisyunan ng management na hindi na pangalanan ang dalawang player.
Sana ay huwag nang kumalat pa at ipagdasal natin ang kaligtasan ng bawat isa at matapos na itong pagkalat ng virus.
***
Maaari nga nating makita sa playoffs ang duo ng Brooklyn Nets na sina Durant at Kyrie Irving.
Sa pagsuspende pansamantala ng NBA, kapag natapos ang krisis na ito ay maaaring magbalik ang laro sa kalagitnaan ng June o July.
Kapag nangyari ito ay mauusog din ang NBA playoffs. Kung ang playoffs ay magsisimula ng July o August, naka-recover na sa mga panahong ito ang dalawa mula sa injury.
Kasalukuyang nasa 7th seed ng Eastern Conference ang Nets na malaki ang tsansang makatuntong sa playoffs.
Sana makalaro na ang dalawang clutch player na ito para maganda ang bakbakan sa East.
***
Kung kayo po ay mayroong reaksiyon o balak itanong, mag-email lamang sa alecpaolo2016@gmail.com.
Patuloy niyo rin pong suportahan ang online show ng Abante, ang Sportalakan, tuwing Martes alas-sais nang gabi sa Abante News Online.
Maraming salamat po!