COVID case 20K na

Mahigit 20,000 na ang kumpirmadong kaso ng nagpositibo sa coronavirus disease 219 (COVID-19) batay sa pinakahuling datos na inilabas ng Department of Health (DOH) alas-kuwatro ng hapon nitong Huwebes, Mayo 4, 2020.

Lumilitaw din na mabagal pa rin ang testing capacity ng pamahalaan base na rin sa bilang ng mga “late case” na naitala ng DOH na halos kasing-dami lang ng mga “fresh case”.

Base sa DOH COVID-19 Bulletin #82, nasa 20,382 na ang kabuuang kaso ng COVID infected sa bansa.

Nakapagtala ng 313 na “fresh cases” at 321 na “late cases”.

Sa update ng Department of Health, ito’y matapos dumagdag ang 313 fresh case at 321 late case. Ang total confirmed cases ay 634 hanggang alas-kuwatro ng hapon nitong Huwebes, Mayo 4.

Nasa 4,248 na ang kabuuang bilang ng mga nakarekober matapos madagdagan ng 95 recoveries. Nakapagtala naman ng karagdagang 10 nasawi o kabuuang 984 na.

Una nang inamin ni National Action Plan Against COVID-19 Deputy Chief Implementer Vince Dizon na mahirap maabot ang target na dalawang milyong Pilipino para sa testing nito at para makamit ito, ang ideal testing capacity umano ay nasa 50,000 COVID-19 test kada araw.

“Right now the benchmark is between 1 to 2 percent of the population, but it is important to note that we need to test more in epicenters like the National Capital Region,” sabi ni Dizon sa pagdinig ng Senate Committee of the Whole.