COVID case 9K na: 90 nakarekober, 4 lang patay

Mahigit 9,000 na ang kabuuang bilang ng mga tinamaan ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) batay sa datos ng Department of Health (DOH) nitong Linggo ng hapon.

Sa DOH COVID-19 Case Bulletin #50 alas-kuwatro ng hapon nitong Linggo, Mayo 3, inihayag na nasa 9,223 na ang bilang ng mga indibidwal na COVID positive sa bansa.

May 295 na mga bagong kaso ang nadagdag sa kabuuang bilang ng mga nagpositibo sa virus.

Nakapagtala naman ng 90 mga bagong nakarekober sa COVID-19 kung kaya’t umabot na sa 1,214 ang kabuuang bilang ng mga gumaling sa sakit.

Samantala, nakapagtala lang ang DOH ng apat na nasawi sa COVID-19 hanggang alas-kuwatro ng hapon nitong Linggo at nasa 607 na ang kabuuang bilang ng mga pumanaw sa naturang sakit.(Juliet de Loza-Cudia)