COVID sa QC umakyat ng higit 2k

Patuloy sa paglobo ang bilang ng kaso ng COVID-19 sa Quezon City makaraang umakyat sa 2,127 ang kumpirmadong kaso hanggang kamakalawa ng gabi.

Ayon sa QC Epidemiology and Disease Surveillance Unit (CESU), 1,963 sa mga kaso ay nakuhanan na ng kumpletong address.

Samantala, nasa 788 naman ang active COVID-19 case sa nasabing lungsod.

Tumaas naman ang bilang ng mga nakarekober sa 841, habang naitala ang death toll sa 177.

Bukod pa dito, 1,115 pa ang suspected case sa lugar mula sa contact tracing effort ng QC government.

Sa Barangay Batasan Hills pa rin ang may pinakamataas na kaso ng COVID-19 na umabot sa 91.

Ayon sa QC govt page sa Facebook, ang datos mula sa Department o Health y dumadaan sa validation ng CESU, health center staff at mga opisyal ng barangay para masigurong sila ay residente ng QC. Posible pang magbago ang bilang ng mga kaso sa lungsod dahil na rin sa isinasagawang community-based testing. (RP)