COVID19 pandemic mas lumala pa-WHO

Mas lumalala pa umano ang COVID19 pandemic na nararanasan sa iba’t ibang panig ng mundo , ayon sa World Health Organization(WHO).

Ayon kay Director-General Dr Tedros Adhanom Ghebreyesus ng WHO, mas lumalala ang hawaan ng virus matapos na makapagtala ng 136,000 kaso kada araw na nagpositibo sa virus kung saan 75% ng kaso ay nagmula sa 10 bansa na karamihan ay sa America at South Asia.

Umaabot na umano sa 7 milyon ang nagpositibo sa COVID19 habang 400,000 na ang nasawi.(Juliet de Loza-Cudia)