Posibleng mahirapan ang ilang traffic enforcer ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na hulihin ang mga motoristang lalabag sa Anti-Distractive Driving (ADD) Law (Republic Act 10913 describes “distracted driving”) o pagbabawal sa paggamit ng cellphone at anumang uri ng electronic devices habang nagmamaneho dahil sa highly tinted na salamin ng behikulo ng mga ito.
Aminado si Victor Nunez, ng MMDA legal and legislative affairs, na medyo mahihirapan ang ilan nilang traffic enforcer na mahuli ang mga pribadong motoristang lalabag dito, dahil ang iba rito ay naka-highly tinted ang salamin ng kanilang behikulo at hindi kaagad ito makikita.
Ayon dito, ang mga opisyal ng MMDA, Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) at Land Transportation Office (LTO) ay makikipagpulong sa mga tint manufacturers upang i-upgrade o mas palinawin ang tint ng salamin ng kanilang behikulo para mas madaling makita ang taong nagmamaneho sa loob.
“We will sit down with tint manufacturers to understand the technicalities and specifications of vehicle tints and better enforce the law,” sabi ni Nunez.
Gayunpaman, kahit medyo mahihirapan ang ilang enforcer nila, maaari naman, aniya, maka-detect o maka-monitor ang highly definition cameras ng MMDA’s Metro base ng anumang device sa highly tinted na behikulo.
Kung saan sa ilalim ng no-contact apprehension policy ng MMDA, ma mo-monitor nito kung may traffic violation ang motorista.
Sa ilalim ng ADD Law, bawal gumamit ng mobile phone at anumang uri ng electronic devices ang mga motorista habang nagmamaneho ng kanilang sasakyan.
Suggestion dyan. 80 percnt dapat ang driverr side 100 perct ang windshield lights. Ang back kahit zero visibility at ang dapat manghuli lang pulis o mobile patrol. Na maaktuhang hawak nanasa tainga. Pwede ang bluetoot o wireless device. Sa traffic enforcer magmando lang kayo ng traffic or katulong ng traffic lights
BAKIT hindi rin ipagbawal ang highly tinted vehicles? BAKIT hindi ba pwedeng 30 hanggang 50 porsyento lang tint ng lahat ng sasakyan? BAKIT dito sa gitnang silangan ang tint ng mga sasakyan ay 30 hanggang 50 porsyento lang! BAKIT lahat ng tao dito ay sumusunod sa batas??? BAKIT hindi patawan ng kaukulang parusa o fine ang mga hindi susunod sa batas? Ewan ko lang kung hindi titino ang matitigas na ulo ng ating mga kababayan.
GAGO BOBO ANONG MAHIRAP PAG AYAW SUMUNOD BARILIN MO…..