by Aileen Taliping

Inatasan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga sundalo na durugin ang Communist ­Party of the Philippines (CPP) kabilang na ang legal fronts nito.

Ang direktiba ay ginawa ng Pangulo sa kanyang pagbisita ngayong hapon sa Camp Gene­ral Manuel T. Yan sa Mawab, Compostela Valley.

Sa kanyang talumpati, sinabi ng Pangulo na sinisira ng kilusang komunista ang bansa at kapag hindi naagapan ay ang mga anak at apo ng mga sundalo na magiging sundalo rin ang papatayin ng mga ito.

“Law and order means you have to destroy, not really fight, but destroy the Communist Party­ of the Philippines, including its legal fronts and infrastructure,” anang Pangulo.

Wala aniyang ibang pakay ang mga komunista kundi pabagsakin ang gobyerno subalit hindi siya papayag na mangyari ito sa kanyang panahon.

“You have to destroy them. Destroy them. I assume full responsibility.

Destroy them because they are destroying us. The avowed claim is to overthrow the government.

“Change your paradigm. Do not fight them. Destroy them, kill them, basta destroy them. Sinong nag-utos? Ako po, magyabang tayong minsan, si Five Star lang,” dagdag ng Pangulo.