Kinontra ng mga NPA ang Pangulong Rodrigo na itigil ang kanilang paggamit ng landmine.
Nagpalabas pa ng kautusan ang Communist Party of the Philippines (CPP) sa mga miyembro ng NPA na palawakin pa ang paggamit ng landmine sa kanilang pag-atake laban sa mga military at kapulisan kasama ang mga paramilitia.
Ayon sa CPP, isang lehitimong armas ang landmine na gamit pang-giyera na pinahihintulutan ng Geneva Convention at Ottawa Treaty on Landmines.
Dagdag pa ng mga rebeldeng komunista na hindi naman umano kung saan-saan lamang sila nagtatanim ng landmine.