Dalawang sasakyan na may number 8 protocol plate ang hinila ng mga tauhan ng Philippine National Police-Highway Patrol Group (PNP-HPG) sa Pasig City nitong Biyernes.

Kabilang dito ang kulay pulang Chevrolet Suburban at itim na Ford E150.

May sticker pa ng logo ng Office of the President sa harapan ng windshield ng Chevrolet Suburban at House of Representatives sa rear windshield.

Sinabi ni Senior Ins­pector Atanacio Alvarez, team leader ng Task Force Limbas Mobile 14, nakatanggap sila ng tip mula sa isang concerned citizen tungkol sa mga nabanggit na sasakyan na nakaparada sa Trinidad Homes Subdivision sa Brgy. Manggahan, Pasig City, kaya agad nilang pinuntahan ito.

Ayon kay Alvarez, sinabi umano ng may-ari ng narekober na dala­wang sasakyan na naka­lagay na umano ang mga sticker at logo sa Chevrolet Suburban matapos na ito ang ipambayad sa kaniya sa pagkakautang ng dating may-ari nito.