Idedepensa ni 2016 Rio de Janeiro Olympian Eric Shauwn Cray ang 400-meter hurdles title sa pagtrangko sa 15-katao track and field athletes na rarampa sa 23rd Asian Athletics Championships 2019 sa Doha, Qatar sa April 21-24.
Naharbat ng 30-year-old Olongapo-born, US-based athlete ang gold sa Bhubaneswar 2017 ATC sa clocking na 49.57 seconds, tinapos ang 8-year gold drought ng bansa sa continental tournament.
Warm-up ng Nationals ang 4-day trackfest para sa 30th Southeast Asian Games 2019 sa bansa sa parating na Nov. 30-Dec. 11.
Kasama ni Cray na mga kakasa sa Middle East oil-rich country sina Kristina Knott, Natalie Uy, Alyana Nicolas, Kyla Richardson, Clinton Bautista, Anfernee Lopena, Jomar Udtohan, Francis Medina, Mark Harry Diones, Marco Vilog, Ernest John Obiena, Janry Ubas, Aries Toledo at Joyme Sequiya.
Binalewala ng delegasyon ang Semana Santa sa pagtungo sa Qatar sa Huwebes Santo upang magsanay at magamay ang klima bago pumailanlang ang torneo sa Easter Sunday.
Nasa radar pa ng Philippine Athletics Track and Field Association ang Thailand Open sa Mayo 21-24, Taiwan Open sa Mayo 25-27, 2 parte ng Asian Grand Prix sa Chongquing, China sa Hunyo 5 at 7, at ang Korean Open.
Samantala, muling tatakbo sa kanyang re-election si PATAFA President Philip Ella Juico bilang Asian Athletics Association vice president sa AAA Congress & Election Mayo 19-20. (Lito Oredo)